Ang Mangungutang
Ang Mangungutang kapag yan ay nautang
Maamong mukha ang masisilayan
Bawat salita nya ay kaaawaan
Kaybait kaylambing dahil may kailangan
Dinaig pa ang artista sa kanyang pagsuyo
Parang politiko rin kung mangako
Ibabalik nya agad ang perang inutang
Kapag sumeweldo sa isang Buwan
Lumipas na ang ilang buwan
Naghalf moon, full moon at nag-eclipse na
Pangakong babayaran ay para bang nalimutan
Nakailang message ka na, wala namang rume-respond
Tawagan mo man, ay ring lang ng ring lang
Hanggang dito na lang, baka kasi may masaktan na eh (hahaha)
Lahat naman tayo ay nakakaranas mangutang at mag-utang
Yun nga lang sa mga umuutang hindi talaga maiwasan ang ganito sitwasyon..
Kung ikaw yung taong hindi sapat ang kinikita
Kahit anong sipag mo sa iyong trabaho at sa iyong pinagkakakitaan
Minsan na napipilitan kang mangutang sa mga kakilala mo
Bakit di ka gumawa ng ibang paraaan na makakadagdag sa iyong income.
No comments:
Post a Comment