Saturday, May 23, 2015

Ang Kwento ni Michael

Marami na akong narinig na kwento mula sa mga successful people.
Yung kanilang mga hirap at pagod from the start bago sila nagtagumpay.
Subalit may isa akong kwento na nalaman ko sa aking Mentor.
Nais ko ishare sa inyo at sana ay may makuha kayong aral.

Ang Kwento ni Michael


Alam mo ba na dito sa Pilipinas ay may 6-9 na bagyong dumarating taon-taon?
Isang gabi may malakas na bagyong dumating at umulan ng wlang tigil.
Nagsilikasan na ang lahat pero may isang naiwan at na-stranded sa bubong.
Si Michael
Sobrang kaba n’ya na baka yun na yung huling araw n’ya, kaya ang ginawa n’ya nagdasal s’ya ng mataimtim.
Habang nakatingin sa langit, pinagdasal n’ya na sana ay maligtas s’ya at bigyan pa s’ya ng pangalawang buhay.
Pagtapos ng ilang minuto, may dumating na bangka na ma’y 3 lalaki na nakasakay. Niyaya s’ya nung mga lalaki na sumakay para lumikas.
Pero tumangi sumama si Michael at ang sabi n’ya “Mauna na kayo dahil ililigtas ako ni Lord”.
Isang oras ulit ang dumaan, at may dumating naman na life boat, ang sabi nung mga tao sa lifeboat, sumakay ka na kasya pa ang isa, lumikas na tayo.
Tumangi ulit s’ya at ang sabi n’ya… “Mauna na kayo, ililigtas ako ni Lord”.
Lalong lumakas yung bagyo, at halos aabot na yung baha sa bubong ng bahay.
Sumunod na dumating ay isang Helicopter.
Ang sabi nung mga tao sa helicopter, “Sumakay ka na, aapaw na yung tubig!”.
Nagmatigas pa rin si Michael, at ang sinabi n’ya lang… “Umalis na kayo, ililigtas ako ni Lord!”.
Sa sobrang lakas ng hangin napilitan umalis kagad yung helicopter.
Naiwan s’yang magisa.
After ng ilang oras, tuluyan ng umapaw ang tubig baha.
Nalunod at NAMATAY si Michael.
Pagdating n’ya sa langit, ang unang sumbat kagad n’ya ay…
Lord nagdasal ako ng mataimtim, bakit hindi mo sinagot yung panalangin ko, bakit mo ko pinabayaan at bakit ‘di mo ko niligtas?
May malakas na boses s’yang narinig…
At ang sabi…
“Nagpadala ko ng bangka, life boat at helicopter para sagipin ka, pero pinalampas mo lang lahat”.
“Bakit ka nagpaiwan?”
Minsan katulad din natin si Michael…
Humihiling at nagdadasal tayo na sana dumating na yung magbibigay satin ng magandang pagbabago.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating sa’tin na magpapaganda ng sitwasyon natin sa buhay.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating sa’tin na magaahon sa’tin mula sa pagkakalubog.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na yung tutulong sa’tin para yumaman o umasenso.

Subalit karamihan sa atin, may mga pagkakataon na may dumarating na oportunidad  hindi naman ito binigbigyang pansin.
Nangingibabaw agad yung mga negatibong dahilan upang hindi ito subukan. Maraming duda, takot at higit sa lahat ay yung "PRIDE".
Upang magkaron ka ng solusyon sa bawat problemang dumarating sa buhay dapat ay humanap ka ng solusyon at gumawa ng aksyon.
Huwag matakot na sumubok sa mga bagong oportunidad. Isipin mo ito ng mabuti, "Kung nais mo ng pagbabago, dapat gumawa ka ng bago"!

No comments:

Post a Comment